Wednesday, December 07, 2005
Well, well,well... Second entry ko na. (Kelangan ba talagang bilangin?) Anyway, muzta naman ako? Eto, kakagaling lng sa maligamgam (actually, mainit siya, kaso malamig ang panahon, pag pinagsama mo, maligamgam! Does that makes sense?) na discussion sa Philo171 class namin. Kasi daw, i-differentiate daw ang Egotism and Selfishness. E di siyempre medyo na-windang kami...Paano nga ba? May pinagkaiba ba yun? Well, meron daw. Egotism pag you want to get what you want, magiging selfishness siya pag may nasasagasaan na na ibang tao. Dun na nagsimula ang lahat!!! Paano nga naman kung may nagbe-benefit from you pero may nasasagasaan ka? Selfishness pa rin ba? Tapos... moment ko na. Nagtaray ang lola. Paano kung sa tingin ng ibang tao, selfish ako, pero hindi ko alam na i'm being selfish na? Selfish ba ako? Paano kung akala ko mabuti yung ginagawa ko? Pero yun pala may nasasagasaan? Selfishness ba yun? Tapos lahat ng tanong, nag-fall sa isang sagot, MOTIVE. Nasa motive daw yun ng tao. Ngayon na-realize ko, wala akong karapatan na sabihing selfish ang sinuman. Unless alam ko yung motive nila. Of course hindi naman masasabi ng isang tao yung motives niya sa lahat ng makakasalubong niya, kaya hindi pwede sabihing selfish ang sinuman.. Pero may bumabagabag pa rin sa kin, e di walang selfish na tao! Sino ba naman ang taong aamin na selfishness yung ginagawa niya? Hay naku! ANg labo!
Isa lang ito sa patunay na may mga bagay sa mundo na kahit piliting ipaliwanag ay hindi pwede. May explanation nga, pero may anomalies pa rin. Pati ba naman selfishness ay daanin sa mala-scientific na pagpapaliwanag?!
Anyway, nang matapos ang pagpapaliwanagan, biglang naalala ng instructor namin yung paper namin na due sa Friday. Nakakaasar naman..Tapos naaalala ko na wala pa pala kaming nagagawa ng partner ko..Patay!
Tuesday, December 06, 2005
So...so...so...at last, may blog na ko...hmmmm...at the moment wala pa akong matinong skin, but as soon as possible, aayusin ko na to...hey, i just started my blog...