finally, after waiting for so long to touch a keyboard, i was able to do it now. oh well, ang layo ko sa kabihasnan this summer. meron namang internet cafe sa min, kaso 45 pesos per hour, tapos parang pilay na pagong kabagal. kumusta naman yun?kaya eto, nag lakbay ako for an hour bago makarating sa mundo ng matinong presyo ng internet. how was my summer vacation?ok naman. well, what do i expect in this kind of place but to endure boredom. masaya naman. kain-tulog lang. dati, lagi akong gumagala, kaso nagtampo yung kabarkada ko sa kin. isasama ba naman ako sa panliligaw. ano gagawin ko dun?mag-didirek sa mga sasabihin nia?kaya yun, nawalan ako ng kasama gumala. sa bahay nalang ako nagstay. nag-iintay ng 3pm araw-araw para bumili ng halo-halo. actually, i don't know what made me set up a time to buy halo-halo. basta ayoko bumili ng halo-halo pg nde alas-tres ng hapon (weird!). mis ko na ang school, ang church, roommates ko, some dormmates, and churchmates. pero prang ayoko pa mg-end ang summer. gusto ko pa mgbakasyon!