Thursday, January 19, 2006
January 19, 2006. Wala akong magawa in one of my classes kanina. hindi ko na babanggitin kung anong class yun. just ask other comm arts students kung anong subject yun, you'll get the same answer. boring talaga! as in b-o-r-i-n-g. i was really tempted to sleep. isang parte nalang ng katinuan ko ang hindi pumipirma at talagang makakatulog na 'ko. my sanity still prevails. gusto ko nang tumayo at sumigaw ng "Sir, ang boring niyooooooooo......." pero sabi ko nga, my sanity prevailed. bilang isang estudyante, alam ko naman na tungkulin kong magkunwaring nakikinig kahit sa totoo e, nag-shut down na ang utak ko sa mga sinasabi ng teacher ko. i immediately thought of a way para hindi makatulog. inilista ko nalang ang mga new vocabularies na natutunan ko out of his mispronunciations of words. hindi ko na ilalagay dito. ayokong maging dahilan ng pagkakaroon ninyo ng kasalanan. sabi nga ni Roger Rosenblatt sa kanyang essay na "Oops! How's That Again?", "human beings are naturally mean". i think tama siya. we love it when people commit mistakes and bloopers. we laugh at them, and tell it to other people to make them laugh. sabi din niya, "we find conventional conversations so boring and predictable," kaya tuwang tuwa daw tayo pag mali-mali ang sinasabi ng kausap o pinapakinggan natin. from my own experience nalang, tama agad siya. i want something to do kaya i listed down my teacher's mispronounced words. naging mean ba ko? o bored lang talaga?