Wednesday, January 04, 2006
Well, ngayon lang ulit ako nag-visit ng blog. Not that i promised myself not to touch any computer nitong holiday season, i don't know, but everytime na i have the chance to visit an internet cafe, i always end up not going anyway. There were always reasons not to go. Once, i accompanied my cousin to a salon, magpapa-hot oil daw siya. "Tamang- tama, mag-ni-net ako while nagpapa-hot oil ka," sabi ko. Pagdating namin sa salon, biruin mong magbago ang isip ng aking magaling na pinsan! Magpapa-haircut lang daw siya na ayon sa bading na mag-gugupit sa kanya nang tanungin ko kung gaano katagal ang magpagupit sa kanya, "don't worry, it won't be long." At totoo naman. Magpapaalam pa lang ako sa pinsan ko, tapos na! Nagupitan na siya. Grrrrr... The moral of my story? Meron nga ba? All things happen naman for a reason diba? Teka. Isip muna ako....Hmmmm... Ayun, at least i realized na kaya kong mabuhay ng 2 weeks na hindi humihipo ng computer. Dito kasi sa elbi, two days lang ako hindi makapindot sa keyboard, nagi-guilty na 'ko. Feeling ko ang bano ko na sa computer. Kasi naman, bakit ba nagkaroon pa ng computer? Bakit may internet pa? Dagdag problema lang sa mga tao na mahilig mag-computer. Imbes na alak, sigarilyo, at kung anu-ano lang ang pwedeng pagka-adikan, pati computer dumagdag. Dagdag gastos. Itong blog na 'to. Bakit kailangang sa internet pa? Pwede namang sa notebook. Mas matalino nga ang mga tao nung sa notebook pa sinusulat ang diary at sulat-kamay ang journal. Bakit ngayon kailangan kong makipagsabayan sa pagkakaroon ng online-online journal na 'to. Tumalino ba 'ko? Nasagutan ko ba ang problema ko sa math? Hindi. Nagkagulo lang ang mundo. Nag-feeling matalino na ang mga tao na may access sa computer. Ang mga instructors, hindi na yung content ng papers na pinapa-submit ang tinitingnan kapag nag-check. Hinahanap na lang nila yung 1.5 o double spacing, Times New Roman na font at kailangan pang 12 ang font size at yung number of pages dun sa paper. Kaya ang mga estudyante, imbes na isipin yung ilalagay nila sa paper nila, naging conscious na lang dun sa mga binigay na standard na magiging hitsura nung paper nila. Tapos kapag may research works, sa computer pa rin ang diretso. Isang pindot nga lang naman, hola! Andian na ang research. Pagdating sa class proud na proud ang student, ang galing nga naman niya, may research siya. Hindi niya alam, para lang pinatunayan niya sa sarili niya na mas magaling maghanap ang computer ng research kesa sa kanya. Siya na may mata, utak, kamay at paa para ipanghanap ay dumepende sa isang hamak na computer. Hindi niya alam, mas proud yung computer. Hay naku. Pero wala naman akong magagawa diba? Basta gusto ko mag-computer. Mapapadali naman research works and paperworks ko. Care ko kung mas matalino yung computer sa 'kin? Andito na 'to. Uso na. May account na ko sa friendster, may e-mail add na 'ko. May blog pa. Magpapakatatag nalang ako. Susuportahan ko nalang sina Bill Gates, Steve Jobs, at kung sino sino pang henyo na may pakana ng mga computer na yan... Heheeh..