Friday, March 17, 2006
Hay naku. nakakaasar ang araw na 'to. nakakapagod. nakakagutom. nakaka-dehydrate. nakakadepress. nakakawala ng energy.
eto ang list ng mga hindi magandang pangyayari.
1. submission ng first draft ng research paper sa coma192.
2.puyat ako.
3.walang tubig sa dorm. (wag nang magtanong kung ano problema ko.)
4.submission namin ng group folio supposedly at 10-11 am at guess what time kami naka-submit? 4pm! dahil sa mga pangyayaring bakit naman ngayon pa nangyari.
5.wala na akong pera.
6.hindi ako nakapag-lunch!
7. nadapa si mitzi.
8. binigay na sa amin yung take home exam namin sa math na "all or nothing" ang method ng checking.
9. plano kong matulog kanina, pero dahil nga sa napakaganda naming folio, hindi ko nagawa yun.
10. at marami pang iba.
what about good things na nangyari?
1. kumain ako ng turon twice today.
2.nakakita na si mitzi ng magiging housemate namin next sem.
3. after ng sobrang pag-pa-panic dahil hindi pa namin nasa-submit yung group folio namin, na-submit din namin cia.
4. kumain ako ng pillows.
5. nung kinailangan kong sumakay ng jeep, may jeep na dumaan.
6. may payong ako nung umulan.
7. kahit puyat ako, nagising ako nung kelangan kong gumising.
Hmmmm....halata bang pinilit kong sumaya?