Wednesday, May 02, 2007
pakshet! ngayon na nga lang ako sinipag magpaka-jologs at bisitahin ang myheritage.com, niloloko pa 'ko. pinapatulan ko na nga and i was trying to run yung mga face-reko-recognition na yun. aba! nakakatatlong upload na 'ko ng photos, wala pa ring ka-match yung mukha ko. hindi ko ma-gets kung anong ibig sabihin, gano'n ba 'ko kapangit at wala talagang holywood star na minalas maging kamukha ko, o sobrang ganda ko at walang pinalad maging kahawig ng mukhang 'to?
kung sino man ang gumawa no'n, parang gusto ko isuplong. may diskriminasyon yatang nangyayari!
holiday kahapon. kami ni leslie, nag-attempt pumasok ng opisina. since wala naman kaming gagawin sa bahay, magta-type nalang sana kami ng mga kailangang tapusin sa opisina. pero pagdating namin, locked ang gate, locked lahat. nagkatinginan kami. (poker face.) bakit nga pala hindi namin naisip na holiday at walang pupunta sa office para magbukas n'on?
ginawa namin, pumunta nalang kaming SM. kumain ng lunch, naglakad ng naglakad. pumunta ng arcade at sinatisfy ang matagal ko nang gustong gawin, ang maglaro nung driving churva do'n. kung totoong kotse lang yun, hindi lang ako duguan, baka mukha pa 'kong pang-sisig dahil sa kakabangga ko sa kung anu-ano. pagkatapos ko dun, pumunta kami dun sa toy crane ba yun? basta, na-realize namin, may daya yun. kasi na-try namin both machines, yung isa, masiadong malaki yung pinaka-claw nung crane tapos maliliit ang mga toys, so it's quite difficult talaga for it to grab a toy. yung isa naman, malaki yung toys, maliit naman yung claw nung crane, so mahirap pa rin maka-grab ng toy. himala nalang pag nakakuha ng toy.
gusto ko rin isuplong ang sinumang gumawa non.