Friday, April 20, 2007
you might wonder kung anong ginagawa ng mga practicumer na tulad namin sa ciudad kung wala namang sapat na pera para gumala.
So ano nga ba ang araw-araw na ginagawa namin ni leslie...
1. gumising around 6:30 or 7am ng umaga para maligo at mag-ayos ng sarili.
2. maglakad papunta sa office at dumaan kay ate na nagtitinda sa bakery para bumili ng almusal na usually composed of pandesal or pancit canton (o iba pang varieties ng noodles)
3. pagdating sa office, diretso sa kitchen para magkape, lutuin ang noodles na dala namin at mag-almusal.
4. pagkatapos ng almusal, go na sa cubicle, on ang computer (pc kay leslie, laptop sa kin) at magsulat ng mga kailangang sulatin
5. eksakto 12pm, lunch break na (!). punta na sa canteen ni kuya angeles (one block away sa office), mamimili ng pagkain at chibog na!
6. yosi pagkatapos kumain, mag-iintay ng 1pm at balik na sa office.
7. balik sa cubicle, at magta-type ulit.
8. at 5pm, uwi na sa parang oven naming room. (devoid of electric fan)
9. titiisin ang init at pipiliting magpahinga.
10. at around 7pm mag-iisip na kami kung saan kami magdi-dinner. (goal namin ni leslie na i-try ang iba-ibang kainan sa proj. 6 as in ibang kainan every two nights.)
11. pagkatapos kumain, diretso sa park across our place at tatambay doon until mga 9pm. (dito namin binubuo ang aming mga pangarap na gumimik at puntahan ang mga nagppracticum sa ccp.)
12. uwi na sa room, maliligo, at pipiliting makatulog. (again, devoid of electric fan.)
13. magpapaypay hanggang makatulog.
sana, may oven na air-conditioned.